Kalikasang binago ng panahon

Para sa iyo ano ba ang kalikasan? Ang kalikasan ang isang nakapakalaking biyaya na binigay ng Diyos para sa atin. Ito ay napakahalaga sapagkat dito tayo naninirahan at kumukuha ng ating ikakabubuhay, siya rin ang nagsisilbing yaman natin sa mundo sapagkat dahil kay Inang kalikasan kung bakit maginhawa at maayos ang ating pamumuhay. Bawat yamang tubig, yamang lupa, mga puno o halaman, mga hayop at iba pang nabubuhay sa ating kapaligiran lahat sila ay mahalaga, saan ka man tumingin, lahat ng iyong nakikita ay gawa ng Diyos kaya dapat nating pangalagaan at pagkaingatan. Napakaganda tignan ng ating kalikasan subalit habang dumadaan ang panahon, si Inang kalikasan na napakagandang pagmasdan ay nabago na at patuloy na binabago hanggang kasalukuyan. (Pigura 1) *Larawan mula sa google Base sa nakikita sa pigura 1, nakita ang pagkakaiba ng kalikasan noon at ngayon, kung gaa...