Kalikasang binago ng panahon

 


       Para sa iyo ano ba ang kalikasan? Ang kalikasan ang isang nakapakalaking biyaya na binigay ng Diyos para sa atin. Ito ay napakahalaga sapagkat dito tayo naninirahan at kumukuha ng ating ikakabubuhay, siya rin ang nagsisilbing yaman natin sa mundo sapagkat dahil kay Inang kalikasan kung bakit maginhawa at maayos ang ating pamumuhay.  Bawat yamang tubig, yamang lupa, mga puno o halaman, mga hayop at iba pang nabubuhay sa ating kapaligiran lahat sila ay mahalaga, saan ka man tumingin, lahat ng iyong nakikita ay gawa ng Diyos kaya dapat nating pangalagaan at pagkaingatan. 

    Napakaganda tignan ng ating kalikasan subalit habang dumadaan ang panahon, si Inang kalikasan na napakagandang pagmasdan ay nabago na at patuloy na binabago hanggang kasalukuyan. 


 (Pigura 1) 

*Larawan mula sa google

        Base sa nakikita sa pigura 1, nakita ang pagkakaiba ng kalikasan noon at ngayon, kung gaano kaganda ang kagubatan noon sa kagubatan ngayon. Ang mga puno na dating nakatanim at matayog na nakatayo ngayon tila naubos ang mga dahon at punong kahoy dahil sa ilegal na pagpuputol ng puno. Ang luntian na mga halaman ay nagkulay tsokolate dahil wala ng sigla at patuloy na kinakalbo ang ating kagubatan dahil ginagawa itong hanapbuhay o minsan para sa personal na pangangailangan. 

             

 Ang mga punong kahoy na kinukuha sa kagubatan ay ginagawang mga mesa, upuan, papel at mga bagay na pwedeng gawin sa kahoy at ito ang kanilang kinabubuhay. Sa mga nadaan na panahon, nauubos na ang mga puno sa kagubatan habang ang tao ay patuloy na naghanap pa ng pwedeng pagkakaitaan. 

    
(Pigura 2)
*Larawan mula sa google
    
    Sa pigura 2, ito ang nagiging epekto ng pagkalbo ng ating kagubatan, kung may dumaan na sakuna ito nagiging epekto sa ating kalikasan. Sa pagkalbo ng kagubatan, mas mabilis ang pagbaha dahil wala ng mga puno sisipsip ng tubig at pagguho ng ilang bahagi ng bundok dahil sa ilegal na pagmimina at pagtotroso. Dahil sa kagagawan ng tao unti-unting nasisira si Inang kalikasan. 

    Sa anong paraan mo/natin mapapangalagaan ang Inang kalikasan mula sa simple at maliliit na paraan hanggang sa malaking paraan?

    Mapapangalagaan natin ang ating kapaligiran o kalikasan, sa simpleng paraan tulad ng pagtatapon ng basura sa tama at maayos na pagsesegregate nito, iwasan ang pagtapon sa kanal o sa iba pang daluyan ng tubig sapagkat ito ang nagiging dahilan kung bakit dumudumi at nakakalason sa mga hayop sa karagatan. 

    Iwasan ang pagsusunog ng mga plastik at iba pang nakakalason na bagay sapagkat hindi ito nagiging maganda sa lupa at pwedeng ikamatay ng mga halaman at puno at na nagiging dahilan din ng unti unting pagbutas ng ozone layer natin. 

    Sumali sa mga NGOs na nagsusulong na protektahan ang kapaligiran at pagtulong sa pagbabalik ganda ng Inang kalikasan. Magtanim ng mga halaman na makakataulong sa pagkakaroon ng malinis na hangin. 

    Maraming mga paraan at proyekto ang mga NGOs at gobyerno upang pangalagaan ang ating kalikasan, tayo ay magkaisa at magtulungan upang manumbalik ang ganda at sigla ni Inang kalikasan. Maging displinado at maging maalaga sa ating kapaligiran. Hindi pa huli ang lahat, may magagawa pa tayo, kaya hikayatin ang bawat isa at magkaisa sa iisang hangarin. Pangalagaan si Inang Kalikasan. 




Comments